Huwebes, Marso 15, 2012

WHO WANTS TO BE A FILIPINO?


???








grabe ang tanong na ito. miski ako napaisip. nabasa ko ang nasabing artikel noong hayskul pa ako. pamilyar ka sa mga book report diba? BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?--Bob Ong.


tanda ko may isang parte dun na tinalakay ang usaping ito. gawa ni Herdy Yumul. gusto ko pa bang maging Pilipino kung sakaling bigyan ako ng pagkakataon na mabuhay muli? impokrito daw pag sumagot ng OO. sabi niya, masama na ang imahe natin sa ibang lahi. tingin sa atin ay isang kasambahay.. mababang uri ng empleyado.. at masaklap pa dyan ay isang mumurahing babae. tanong na nga sa pilipina ng mga banyagang dayo sa ating bansa, "how much?" imbis na "what's your name?". 


mga damit, bag, sapatos.. mga gawa sa europa. sabi nga ng nasabing personalidad na ito ay nanaisin nya pang maging pranses o kahit na anong nag-orihinal Europa. ngunit habang akin itong binabasa, sa isip-isip ko ay, ooops teka! may mali.


dahil ba sa mga di mabilang na kurapsyon, polusyon, kaliwa't kanan na strike, gera sa pagitan ng kapwa Pilipino, kahirapan at iba pa ay itatakwil na natin ang pagiging Pilipino? sa kadahilanang mas mayaman sa usaping ekonomiya at kultura ang ibang bansa ay gugustuhin na  nating hindi maging Pilipino sa susunod na buhay?


parang hindi ganito ang aking pananaw. sabihin na nilang ako ay impokrita. pero totoo. bakit? tanungin mo ang iyong sarili... bakit nga ba? anong meron? 


ayon nga sa kasabihan, ONLY IN DA PILIPINS! 


san ka  nakakita? kumakain, naka kamay.. nagmamano sa nakakatanda.. bayanihan.. at higit sa lahat.. pag may sakuna tulad na lang ng bagyo at matinding baha, pag may mga nagbabalita, sa likod ng kamera, kumakaway at nakangiti pa ang mga nasalanta.. 


bigyang pansin natin ang barkong palubog sa Italya na puros Pilipino ang tauhan, tulong-tulong nailigtas ang mga pasahero. unang-unang umaksyon sa panganib. 


kaya't ano pa mang pagsubok ang dumating kay Juan Dela Cruz, hindi malayong hindi natin itong malampasan. aking masasabi, MAIPAGMAMALAKI KONG AKO AY ISANG PILIPINO. e ikaw?

Miyerkules, Marso 14, 2012

antisocial ME.




e ano naman kung wala akong facebook at twitter? hindi  ba ko mabubuhay ng wala ang mga social networking sites na yun? anti-SOSYAL daw ako. weh? di kaya. hmmmm.. medyo lang. kasi ba naman, ikaw ang hindi magsawa.. sa BB ko, online palagi ang dalawang nabanggit. maya't maya may comment, may tweet etcetera. nakakasawa. nakakatulili. sa facebook, refresh feeds, check mo status ng crush mo, mga kabarkada mo, kaaway mo.. blah blah.. like like like like like like like.. comment comment comment.. check in at ultimo ata pag asa banyo ka at nagbabawas e updated din. sakit sa ulo! upload kang pictures. lahat ng makita mong bagay o lugar na pinupuntahan update mo. kahit sa tindahan habang bumibili ka ng sakto. o diba? san ka pa. yung iba naman pasosyal masyado. blah blah is @podium, @rockwell, @starbucks.. hindi ba pwedeng @talyer--pa tune up ng motor, @giddy's restaurant (karinderya sa malate), @paresan with COCO MARTIN (ilusyonada lang).

Sa twitter naman, walang ibang gawin kundi babasahin ang mga sinasabi ng mga artista. pag may pakulo sila na kunwari unang magpost ng ganito, gagawin naman ng iba pang tweet peeps. Hala. akala mo naman kung sino. kahit nga yung simpleng traffic updates sa edsa, c5 at coastal road.. ginagamit na ang twitter e.

pero sa kabilang banda.. naiisip ko din na isa syang magandang way ng komunikasyon. nagkakaisa sa mga post sa pamamagitang ng pag like at comment. sa twitter--yun nga--traffic updates. o dili kaya ay para maging aware pa ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa paligid.

hmmmm.. pero hindi ba natin naiisip na puro pagbasa, open, click, tag at like na lang tayo? asan ang pag-aksyon sa mga bagay na dapat e kumikilos tayo. maraming usapin sa panahong ito na dapat ay tutukan hindi lamang sa harap ng kompyuter pero galaw-galaw din mga kapwa ko Pilipino..

sumali sa iba't-ibang organisasyon na maaaring makatulong sa mga kaganapang dapat aksiyunan sa ating bansa ngayon. Suporta ay hindi lamang makikita sa ganitong uri ng komunikasyon bagkus ay kumilos din tungo sa pagbabago para sa ikauunlad ng ating ekonomiya.. ng ating bansa..

may sense ba? ikaw na ang bahala humusga.

this summer...

                                    bora
or


                                   puerto

ngayon.

pagpasok ko sa trabaho, baon ko ang hiling na sana ay maganda ang araw na to. kaso nakita ko ang boss ko at naalalang ay, may kasalanan ako... late ako ng dalawang beses. lintik. buhay call center nga naman. nagbago na ang oras sa amerika. tapos na ang kalokohang "daylight saving time". isip-isp ko, PINOY KAYA AKO. kaso, ang pagsagot sa telepono ang nagpapakain sa akin sa araw-araw. kaya bawal  hindian kung ano man ang inaatas na responsibilidad sa akin. pagpasok ko ng pinto, araw na araw na gawain.. iwang ang bag sa baggage counter. punta ng pantry. bibili ng kung ano mang pwede ng pampalipas gutom. punta sa istasyon. uupo. bubuksan ang sites na dapat buksan at kasama itong blog-bloggan ko. hmmmm... ano kaya dapat kong idagdag sa araw na to. siguro okay na to? pwede na. chill lang naman ang paligid e. tamang kwentuhan at kulitan. ngayong araw ng sweldo (akinse e) isip-isip din ng maaaring bilhin. ahm... ano kaya? tabi ko na lang. baka pagdating ng linggo de peligro wala na naman (hahaha!)

wala lang.. may saysay ba to? mukhang wala. salamat na lang sa pagbasa..

Martes, Marso 13, 2012

jared



leto

wacha say??


my....



for you.

tat :)


KRABI, THAILAND


one day.. :)

read this.

Let me say one thing.....



got that?

just like you.

hmmm...


yiiiiiieeee!

i love!


cool!
good old beetle.

yummy :)



GOOD FOOD!

Grandma's Chocolate Cake @ Purple Oven 

Location: 63 St. Peter St., Oranbo Pasig City