Huwebes, Marso 15, 2012
WHO WANTS TO BE A FILIPINO?
???
grabe ang tanong na ito. miski ako napaisip. nabasa ko ang nasabing artikel noong hayskul pa ako. pamilyar ka sa mga book report diba? BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?--Bob Ong.
tanda ko may isang parte dun na tinalakay ang usaping ito. gawa ni Herdy Yumul. gusto ko pa bang maging Pilipino kung sakaling bigyan ako ng pagkakataon na mabuhay muli? impokrito daw pag sumagot ng OO. sabi niya, masama na ang imahe natin sa ibang lahi. tingin sa atin ay isang kasambahay.. mababang uri ng empleyado.. at masaklap pa dyan ay isang mumurahing babae. tanong na nga sa pilipina ng mga banyagang dayo sa ating bansa, "how much?" imbis na "what's your name?".
mga damit, bag, sapatos.. mga gawa sa europa. sabi nga ng nasabing personalidad na ito ay nanaisin nya pang maging pranses o kahit na anong nag-orihinal Europa. ngunit habang akin itong binabasa, sa isip-isip ko ay, ooops teka! may mali.
dahil ba sa mga di mabilang na kurapsyon, polusyon, kaliwa't kanan na strike, gera sa pagitan ng kapwa Pilipino, kahirapan at iba pa ay itatakwil na natin ang pagiging Pilipino? sa kadahilanang mas mayaman sa usaping ekonomiya at kultura ang ibang bansa ay gugustuhin na nating hindi maging Pilipino sa susunod na buhay?
parang hindi ganito ang aking pananaw. sabihin na nilang ako ay impokrita. pero totoo. bakit? tanungin mo ang iyong sarili... bakit nga ba? anong meron?
ayon nga sa kasabihan, ONLY IN DA PILIPINS!
san ka nakakita? kumakain, naka kamay.. nagmamano sa nakakatanda.. bayanihan.. at higit sa lahat.. pag may sakuna tulad na lang ng bagyo at matinding baha, pag may mga nagbabalita, sa likod ng kamera, kumakaway at nakangiti pa ang mga nasalanta..
bigyang pansin natin ang barkong palubog sa Italya na puros Pilipino ang tauhan, tulong-tulong nailigtas ang mga pasahero. unang-unang umaksyon sa panganib.
kaya't ano pa mang pagsubok ang dumating kay Juan Dela Cruz, hindi malayong hindi natin itong malampasan. aking masasabi, MAIPAGMAMALAKI KONG AKO AY ISANG PILIPINO. e ikaw?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento