Miyerkules, Marso 14, 2012

antisocial ME.




e ano naman kung wala akong facebook at twitter? hindi  ba ko mabubuhay ng wala ang mga social networking sites na yun? anti-SOSYAL daw ako. weh? di kaya. hmmmm.. medyo lang. kasi ba naman, ikaw ang hindi magsawa.. sa BB ko, online palagi ang dalawang nabanggit. maya't maya may comment, may tweet etcetera. nakakasawa. nakakatulili. sa facebook, refresh feeds, check mo status ng crush mo, mga kabarkada mo, kaaway mo.. blah blah.. like like like like like like like.. comment comment comment.. check in at ultimo ata pag asa banyo ka at nagbabawas e updated din. sakit sa ulo! upload kang pictures. lahat ng makita mong bagay o lugar na pinupuntahan update mo. kahit sa tindahan habang bumibili ka ng sakto. o diba? san ka pa. yung iba naman pasosyal masyado. blah blah is @podium, @rockwell, @starbucks.. hindi ba pwedeng @talyer--pa tune up ng motor, @giddy's restaurant (karinderya sa malate), @paresan with COCO MARTIN (ilusyonada lang).

Sa twitter naman, walang ibang gawin kundi babasahin ang mga sinasabi ng mga artista. pag may pakulo sila na kunwari unang magpost ng ganito, gagawin naman ng iba pang tweet peeps. Hala. akala mo naman kung sino. kahit nga yung simpleng traffic updates sa edsa, c5 at coastal road.. ginagamit na ang twitter e.

pero sa kabilang banda.. naiisip ko din na isa syang magandang way ng komunikasyon. nagkakaisa sa mga post sa pamamagitang ng pag like at comment. sa twitter--yun nga--traffic updates. o dili kaya ay para maging aware pa ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa paligid.

hmmmm.. pero hindi ba natin naiisip na puro pagbasa, open, click, tag at like na lang tayo? asan ang pag-aksyon sa mga bagay na dapat e kumikilos tayo. maraming usapin sa panahong ito na dapat ay tutukan hindi lamang sa harap ng kompyuter pero galaw-galaw din mga kapwa ko Pilipino..

sumali sa iba't-ibang organisasyon na maaaring makatulong sa mga kaganapang dapat aksiyunan sa ating bansa ngayon. Suporta ay hindi lamang makikita sa ganitong uri ng komunikasyon bagkus ay kumilos din tungo sa pagbabago para sa ikauunlad ng ating ekonomiya.. ng ating bansa..

may sense ba? ikaw na ang bahala humusga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento