Miyerkules, Marso 14, 2012

ngayon.

pagpasok ko sa trabaho, baon ko ang hiling na sana ay maganda ang araw na to. kaso nakita ko ang boss ko at naalalang ay, may kasalanan ako... late ako ng dalawang beses. lintik. buhay call center nga naman. nagbago na ang oras sa amerika. tapos na ang kalokohang "daylight saving time". isip-isp ko, PINOY KAYA AKO. kaso, ang pagsagot sa telepono ang nagpapakain sa akin sa araw-araw. kaya bawal  hindian kung ano man ang inaatas na responsibilidad sa akin. pagpasok ko ng pinto, araw na araw na gawain.. iwang ang bag sa baggage counter. punta ng pantry. bibili ng kung ano mang pwede ng pampalipas gutom. punta sa istasyon. uupo. bubuksan ang sites na dapat buksan at kasama itong blog-bloggan ko. hmmmm... ano kaya dapat kong idagdag sa araw na to. siguro okay na to? pwede na. chill lang naman ang paligid e. tamang kwentuhan at kulitan. ngayong araw ng sweldo (akinse e) isip-isip din ng maaaring bilhin. ahm... ano kaya? tabi ko na lang. baka pagdating ng linggo de peligro wala na naman (hahaha!)

wala lang.. may saysay ba to? mukhang wala. salamat na lang sa pagbasa..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento