“May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sa’yo. Tulad ng kung gaano mo kamahal ang isang tao. Madalas, nalalaman mo lang kung gaano mo siya kamahal pag wala na siya sa’yo. Umaasa ka nalang na sa pag lipas ng panahon, maibabalik mo kung ano ang nawala sa’yo. O kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon ang mga bagay. Pero bakit parang hindi binabago ng panahon ang puso mo? Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan ang simula? At lagi mong tinatanong, paano kaya kung mas minahal mo siya? Paano kaya kung hindi mo nalang siya minahal? Paano kaya kung hindi nalang kayo nagkakilala? Para mabura nalang siya sa alaala mo? Paano kaya kung noong nagkatagpo kayo, ibang tao ka, ibang tao rin siya sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon, maiiba din kaya ang tadhana ‘nyo? Kamay mo na ba ang hawak niya? Pangalan mo na ba ang bukambibig niya? Ikaw na ba ang nasa tabi niya? Ikaw na ba yung kayakap niya? Ikaw na ba ang dahilan ng mga ngiti niya? O ikaw pa rin ba ang dahilan kung bakit mas pinili niyang magmahal ng iba?”
-Sabi nga nila, ang pag-ibig ay walang timeframe. Kusang dumarating yan. Di pinipilit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento