umagang-umaga, blanko utak ko. sa kanan ko nakaupo ang hindi ko ipagpapalit na kapatid, si Pornel. samantalang sa kaliwa ko naman ang pinaka-salbahe kong kakilalang nilalang na si Teddy Boy.
sadyang gutom lang. chicken noodles at mountain dew para umagahan. ginawa na lahat ng inaatas na gawain para sa susunod na linggo. sa aking pananahimik, ang daming pumasok sa aking isip. ano? kaya? kailan? paano? puro tanong. di ko masagot ang sarili ko. nagugulumihanang utak at damdamin.
sinong tutulong sa akin malampasan lahat ng pagsubok ng buhay. mga hamong hindi inaasahan. mga pangyayaring hinding-hindi maiiwasan. kwento ng aking buhay ay nagdulot ng iba't-ibang sugat na tila panahon na lang ang hihilom.
kwentong pamilya, eskwela, kaibigan at pag-ibig na madalas ay hindi ko na yata makakayanan. sinong tatakbuhan? sinong maaaring makaintindi ng baluktot kong paniniwala ngunit may dahilan naman ang lahat ng ito sa aking pagkakaalam.
magparaya, hayaang lumayo, umiyak at maging masaya. ilang bahagi ng kwento ng buhay na bumubuo sa ating pagkatao. hindi madali ngunit kailangan. kung para sayo ang isang bagay, kahit ano pa man ito ay siya ring ibibigay sayo.
isang pagiisip na aking napagtanto habang nakatingin sa kawalan. kailan kaya matatapos ang lahat ng ito. siguro ay hindi ngayon ngunit naniniwala ako na pag dumating ang panahong ito ay walang kapantay na pagkagalak ang aking mararamdaman.
sa ngayon. kalimutan ang kahapon. harapin ang ngayon. at paghandaan ang bukas. maniwala ka. may nakalaan sayo para sa panibagong bukas...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento